Sunday, May 27, 2012

Nastrestressed na ako, ang hirap naman ng ganito, mahirap pala talaga maging Christian, mahirap na mamuhay at makisalamuha sa mundong ito,

Mahirap sapagkat iba na ang pananaw mo sa buhay,

Mahirap kasi kilala ka ng iba sa pagkataong di kristyano, kaya lagi na lang ikaw na quequestion, nappupulaan, nalalait.

Mahirap kasi iba ka na magdesisyon,

Mahirap kasi sumasalungat na sa iyo ang mga kaibigan mo.

Mahirap kasi di ka na maintindihan ng mga dating umiintindi sayo.

Mahirap kasi ngayon alam mo na ang tama, sumama ang loob, kasi sa tanong na BAKIT?,

Mahirap kasi yung mga dating ginagawa mo di mo na magawa.

Mahirap kasi lagi na lang may conviction sa puso mo.

Mahirap kasi kapag may nasabi o nagawa kang mali, di ka na makatulog.

Mahirap kasi iba na ang mundo mo, kailangan mo na buksan ang mundo mo para sa kapwa mo Kristyano gayung mula pagkabata isa o dalawa lamang ang nagiging kaibigan ko.

Mahirap kasi nahihirapan ako, kasi minsan di ko alam kung paano ako sasagot, pano ako kikilos, kailan ako makikipag-usap, ano ba dapat ang sabihin ko.

Mahirap kasi dapat kong pigilan ang sarili ko, pigilang wag magalit, wag sumigaw, kumilos ng nararapat di mo na kayang magpakatoo.

Di ko alam bakit ako nahihirapan bagamat dapat akong magalak. Wala namang nagbabawal sa akin. Sadya lamang di ko alam bakit ba ganito.

Tao lang din naman ako, nasasaktan din ako, di lamang ako nagsasalita, pero nagdadamdam naman ang puso.

Ayokong umiyak, at ayokong may nakakakita saking umiyak, at di ko alam saan ako pupunta para makaiyak, mabigat na ang loob ko. Kasi di naman ako sanay sabihin kung kani-kanino lang ang nararamdaman ko,

Pinipilit ko lamang ipakita sa iba na masaya ako, masaya naman ako, pero bakit parang pakiramdam ko, di sila masaya sa lahat ng mga pasya ko.

Di ko alam kung tama o mali ang mga nagiging pasya ko, pero nagpapasya naman ako di lang sa pansarili kong kapasyahan, humihingi naman ako ng patnubay kay God, at ang pagpapasya ko ay kung saan ako lalong mapapalapit kay God.

Pag ako lang mag isa masaya naman ako, pero pagkasama ko ang iba nalulungkot ako.

Pag nag-iisa ako maligaya naman ako, sa lahat ng bagay na meron ako, nasa paligid ko.

Iba na kasi kapag nasa reality ka na, ibang iba sa mundong iniisip mo at ginagawa mo sa isip mo.

Kaya siguro ako nalulungkot kasi bumubuo ako ng sarili kong mundo sa isip ko, kaya pag nasa reality na at iba ang nangyari nasasaktan na ako.

Pero alam ko kakayanin ko lahat ito, alam kong nasa tama ako, kahit mahirap, masakit kaya ko, kasi para kay God naman lahat ng ginagawa ko, hindi para i-please lahat ng tao sa mundong ito.


FIGHT! FIGHT! FIGHT!



Thursday BS - 2nd Peter 1:12-21.


Prophecy of Scripture

12 So I will always remind you of these things, even though you know them and are firmly established in the truth you now have. 13 I think it is right to refresh your memory as long as I live in the tent of this body, 14 because I know that I will soon put it aside, as our Lord Jesus Christ has made clear to me. 15 And I will make every effort to see that after my departure you will always be able to remember these things.
16 For we did not follow cleverly devised stories when we told you about the coming of our Lord Jesus Christ in power, but we were eyewitnesses of his majesty. 17 He received honor and glory from God the Father when the voice came to him from the Majestic Glory, saying, “This is my Son, whom I love; with him I am well pleased.”[a] 18 We ourselves heard this voice that came from heaven when we were with him on the sacred mountain.
19 We also have the prophetic message as something completely reliable, and you will do well to pay attention to it, as to a light shining in a dark place, until the day dawns and the morning star rises in your hearts. 20 Above all, you must understand that no prophecy of Scripture came about by the prophet’s own interpretation of things. 21 For prophecy never had its origin in the human will, but prophets, though human, spoke from God as they were carried along by the Holy Spirit.


Tuesday, May 15, 2012

Unknown Emotion

Minsan di mo, kailangan lumaban, mangatwiran, makipag-away, makipagtalo. Mas maigi pang manahimik at manalangin ka na lamang sa iyong isip. Ang pag-iwas ay hindi kaduwagan o nangangahulugang natatakot ka harapin ang sinuman o anuman. Kung alam mo sa pananahimik ay maayos ang lahat, magtiwala ka lang sa Dyos na makapangyarihan sa lahat, at siya ang bahala.


Monday, May 7, 2012

Sumasamba Sumasamo


Sumasamba , Sumasamo

Sa iyo iaalay ang buhay at kalakasan 
Sapagkat ito ang nararapat sa katulad mong matapat 
Dahil sa pag-ibig mo, ang buhay ko ay nagbago 
"Sa tuwina ang ninanais ko ay laging maglingkod sa iyo"


Sumasamba, sumasamo, naghahandog sa ngalan mo 
Pagkat sa 'yo ay nadama ang pagmamahal ng ama
Tunay kang maginoo, namalas ko sa kalbaryo
Buhay man, inalay mo o Kristo upang maligtas ang tao





"I keep playing and singing this song, dahil sa awit na ito, naiiaawit ko ang nilalaman ng aking puso :) <3" 

Sunday, May 6, 2012

Baptism in Holy Spirit - "My Own Experience"


May 6, 2012 


Our Pastor held on the spot Baptism in Holy Spirit, after of three sunday of  lecture about the Holy Spirit. Hindi ko man maipaliwanag ang aking karanasan, di man din ako nakapagsalita ng mga oras na iyon, pero parang merong umuusig sa aking puso na ihayag ang mga nakatagong lihim sa aking puso, ang aking mga kasalanan, mga paulit-ulit na pag-gawa ng mga bagay na hindi ko inaasahan na magpapabigat sa aking puso sa mga oras na iyon, di ko na mapigilan ang mga luha ko sapagkat napakabigat na ng puso ko, pero naramdaman ko merong humahawak sa akin, sa aking magkabilang braso, parang may taong nakatayo sa likod o harapan ko at hinahawakan ako ng mahigpit upang hindi ako matinag sa aking pagkakatayo, pero nung subukan kong buksan ang aking mga mata wala naman ako nakita pero, nararamdaman ko parin na may humahawak sa aking mga braso kaya ipinikit ko muli ang aking mga mata at hiningi nang tawad ang aking mga kasalanan, at hiniling na sana'y hindi ko na muli itong magawa at iwasan na ang anumang makamundong kalikasan, siguro  kinulang lang ako sa oras kasi nung nagstart yung pastor namin di pa ako prepare at di makapagfocus kasi madaming bumabagabag sa aking puso, pero dahil siguro ito ang hinihiling ko na nang matagal, dahil ibig ko din ipahayag sa iba ang Mabuting Balita, binigyan ako ng pagkakataon ng Dyos, alam kong matagal ko na kasama ang Banal na Espiritu sa aking pang araw araw na pamumuhay pero pilit ko lang itinatanggi ito sa aking puso at isip, pero ngayon dahil sa nalaman ko na ang tunay na layunin at kahalagahan bakit may Banal na Espiritu, lubos kong pag-iingatan, at pananalangin na masunod ko ang udyok ng Espiritu upang mamuhay ako ayon sa kalooban ng Dyos.

He reminds us, our past lesson what is Holy Spirit and it's importance.

April 22, 2012 - "Kailangan natin ang Banal na Espiritu"

Bakit ang buhay Kristyano ay imposibleng maipamuhay kung hiwalay sa Banal na Espiritu?

Gawa 1 : 1 - 9 
              "1 Mahal kong Teofilo,
               Sa aking unang aklat ay isinalaysay ko ang lahat ng ginawa at itinuro ni Jesus buhat sa pasimula 2 hanggang sa araw na siya'y umakyat sa langit. Bago siya umakyat, ang mga apostol na kanyang hinirang ay pinagbilinan niya sa pamamagitan ng kapangyarihan ng Espiritu Santo. 3 Sa loob ng apatnapung araw pagkatapos ng kanyang pagkamatay, maraming ulit siyang nagpakita sa kanila at pinatunayan niyang siya'y talagang buhay. Siya'y nagpakita sa kanila at tinuruan niya tungkol sa paghahari ng Diyos. 4 Samantalang siya'y kasama pa nila, pinagbilinan sila ni Jesus, "Huwag muna kayong aalis sa Jerusalem. Sa halip, hintayin ninyo roon ang ipinangako ng Ama na sinabi ko na sa inyo. 5 Si Juan ay nagbautismo sa tubig, ngunit di na magtatagal at babautismuhan kayo sa Espiritu Santo."
                6 Nang muling magkatipon si Jesus at ang mga alagad, nagtanong sila kay Jesus, "Panginoon, itatatag na po ba ninyong muli ang kaharian ng Israel?"
               7 Sumagot si Jesus, "Ang mga panahon at pagkakataon ay itinakda ng Ama sa kanyang sariling kapangyarihan, at hindi na kailangan pang malaman ninyo kung kailan iyon. 8 Subalit tatanggap kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo, at kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, sa buong Judea at sa Samaria, at hanggang sa dulo ng daigdig."
               9 Pagkasabi nito, si Jesus ay iniakyat sa langit habang ang mga alagad ay nakatingin sa kanya, at natakpan siya ng ulap."

I. Dahil ang buhay Kristyano ay Buhay Espirituwal

A. Ano ang kalikasan ng buhay espirituwal
               
a. Hindi ito maipapamuhay sa kapangyarihan ng laman. 

Zac 4:6
        "Sinabi sa akin ng anghel ang ipinasasabi ni Yahweh: Ang tagumpay ay hindi makakamit sa pamamagitan ng lakas o kapangyarihan kundi sa aking tulong lamang"
                     
b. Ang kasiyahang na mula sa laman ay salungat mula sa Espiritu

Roma 8: 5-8  
  "5 Ang mga namumuhay ayon sa hilig ng laman ay walang pinapahalagahan kundi ang mga bagay na ukol sa laman; ngunit ang mga namumuhay ayon sa Espiritu ay nagpapahalaga sa mga bagay na espirituwal. 6 Ang pagsunod sa hilig ng laman ay naghahatid sa kamatayan, ngunit ang pagsunod sa Espiritu ay nagdudulot ng buhay at kapayapaan. 7 Kaya nga, kapag sinusunod ng tao ang mga hilig ng laman, siya'y nagiging kaaway ng Diyos sapagkat hindi niya sinusunod ang batas ng Diyos, at talaga namang hindi niya kayang sundin ito. 8 At ang nabubuhay ayon sa hilig ng laman ay hindi maaaring kalugdan ng Diyos."
       
B. Hindi ito maipapamuhay sa pamamagitan ng kinamulatang lumang tuntunin at kalayaan 
      
 Gal 5 : 15 -24 
            "16  Sinasabi ko sa inyo, ang Espiritu ang gawin ninyong patnubay sa inyong buhay at hindi kayo magiging alipin ng hilig ng laman.17  Sapagkat ang mga nasa ng laman ay laban sa kalooban ng Espiritu, at ang kalooban ng Espiritu ay laban sa mga nasa ng laman. Laging naglalaban ang dalawang ito kaya’t hindi ninyo magawâ ang nais ninyong gawin. 18  Kung pinapatnubayan kayo ng Espiritu, wala na kayo sa ilalim ng Kautusan. 19  Hindi maikakaila ang mga hilig ng laman: pakikiapid, kahalayan at kalaswaan; 20  pagsamba sa diyus-diyosan, pangkukulam, pagkapoot sa isa’t isa, pag-aaway-away, pagseselos, pagkakagalit at kasakiman, pagkakampi-kampi at pagkakabaha-bahagi,  21  pagkainggit, pagpatay. paglalasing, kalayawan, at iba pang katulad nito. Muli ko kayong binabalaan: ang gumagawa ng mga ito ay hindi magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng Diyos.  22  Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan,23  kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ito.24  At pinatay na ng mga nakipag-isa kay Cristo Jesus ang kanilang makasariling pagkatao, pati na ang mga masasamang hilig nito."

C. Ang buhay Kristyano ay likha ng Espiritu at pinapanatili ng Espiritu

a. Binabautismuhan sa iisang espiritu upang maibilang sa katawan ni Kristo

1 Cor 12 :13 
            "13  Maging Judio o Hentil, alipin man o malaya, tayong lahat ay binautismuhan sa iisang Espiritu upang maging isang katawan. Tayong lahat ay pinainom sa iisang Espiritu."

b. Binigyan tayo ng kapangyarihan sa pakikiisa sa atin sa pamamagitan ng bautismo ng Banal na Espiritu 

Gawa 1 : 8 
               "8 Subalit tatanggap kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo, at kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, sa buong Judea at sa Samaria, at hanggang sa dulo ng daigdig. "

II. Dahil Ang Buhay Kristyano ay Buhay Pagmimisyon

Ano ang mga ginagawa ng Banal na Espiritu sa Atin?

1. Siya nag pangalawang patnubay 

Juan 14 : 15-17   
              "15  “Kung iniibig ninyo ako, tutuparin ninyo ang aking mga itinuturo.16  Dadalangin ako sa Ama, upang kayo’y bigyan niya ng isa pang Tagapagtanggol na magiging kasama ninyo magpakailanman.magpakailanman. 17  Siya ang Espiritu ng katotohanan, na hindi matanggap ng sanlibutan sapagkat siya ay hindi nakikita ni nakikilala ng sanlibutan. Ngunit nakikilala ninyo siya, sapagkat siya’y nasa inyo at siya’y mananatili sa inyo".

2. Siya ang nagbibigay sa atin ng kapangyarihan upang maging saksi ng Panginoon 

(Gawa 1 : 8 "8 Subalit tatanggap kayo ng kapangyarihan pagbaba sa inyo ng Espiritu Santo, at kayo'y magiging mga saksi ko sa Jerusalem, sa buong Judea at sa Samaria, at hanggang sa dulo ng daigdig. ")
                        

 April 29 2012 - "Tanging sa Espiritu Santo Lamang"

Juan 14 : 15-17
               "15  “Kung iniibig ninyo ako, tutuparin ninyo ang aking mga itinuturo.16  Dadalangin ako sa Ama, upang kayo’y bigyan niya ng isa pang Tagapagtanggol na magiging kasama ninyo magpakailanman.magpakailanman.17  Siya ang Espiritu ng katotohanan, na hindi matanggap ng sanlibutan sapagkat siya ay hindi nakikita ni nakikilala ng sanlibutan. Ngunit nakikilala ninyo siya, sapagkat siya’y nasa inyo at siya’y mananatili sa inyo".

I. Ano nga ba ang mga ginagawa ng Espiritu Santo sa ating buhay

A. Ang Espiritu Santo ang ating Tagapagtanggol
(Paracleto) tagapagpatuloy ng sinimulan ng Panginoong Jesus 


Juan 14 : 15-17   
              "15  “Kung iniibig ninyo ako, tutuparin ninyo ang aking mga itinuturo.16  Dadalangin ako sa Ama, upang kayo’y bigyan niya ng isa pang Tagapagtanggol na magiging kasama ninyo magpakailanman.magpakailanman. 17  Siya ang Espiritu ng katotohanan, na hindi matanggap ng sanlibutan sapagkat siya ay hindi nakikita ni nakikilala ng sanlibutan. Ngunit nakikilala ninyo siya, sapagkat siya’y nasa inyo at siya’y mananatili sa inyo".

B. Ang Espiritu ang umuusig sa sanlibutan tungkol sa kasalanan, katuwiran at kahatulan.

Juan 16: 7 -11 
          "7  Subalit dapat ninyong malaman ang katotohanan. Ang pag-alis ko’y sa ikabubuti ninyo, sapagkat hindi paparito sa inyo ang Tagapagtanggol kung hindi ako aalis. Ngunit kung wala na ako, isusugo ko siya sa inyo. Pagdating niya ay kanyang patutunayan sa mga taga-sanlibutan na mali ang pagkakilala nila tungkol sa kasalanan, tungkol sa pagiging matuwid, at tungkol sa paghatol ng Diyos. Mali sila tungkol sa kasalanan sapagkat hindi sila nananalig sa akin. 10 Mali sila tungkol sa pagiging matuwid sapagkat ako’y pupunta sa Ama at hindi na ninyo makikita; 11 at tungkol sa paghatol ng Diyos, sapagkat hinatulan na ang pinuno ng mundong ito."

C. Ang Espiritu Santo ang tagaluwalhati sa Panginoong Jesus 

Juan 16: 12 : 15  
           “12 Marami pa akong sasabihin sa inyo subalit hindi pa ninyo kayang unawain ngayon. 13 Ngunit pagdating ng Espiritu ng katotohanan, papatnubayan niya kayo sa lahat ng katotohanang galing sa Diyos. Sapagkat ang sasabihin niya ay hindi mula sa kanyang sarili, kundi ang kanyang narinig; at ipahahayag niya sa inyo ang mga mangyayari sa hinaharap. 14 Pararangalan niya ako sapagkat tatanggapin ng Espiritu mula sa akin ang ipahahayag niya sa inyo. 15 Ang lahat ng sa Ama ay sa akin, kaya ko sinabing tatanggapin ng Espiritu ang mula sa akin at ipahahayag niya ito sa inyo.”16 “Kaunting panahon na lamang at hindi na ninyo ako makikita, at pagkaraan ng kaunti pang panahon, ako’y inyong makikitang muli.”

II. Ang Espiritu Santo ang pinagmumulan ng Espiritwalidad Kristyano

A. Nagbibigay buhay espirituwal sa Kristyano

Juan 3: 3 -8 
        "3 Sumagot si Jesus, Pakatandaan mo: malibang ipanganak na muli a ang isang tao, hindi niya makikita ang paghahari ng Diyos. 4 Paanong maipapanganak pang muli ang isang taong matanda na? Makakapasok pa ba siya sa sinapupunan ng kanyang ina para muling isilang? tanong ni Nicodemo. 5 Sagot naman ni Jesus, Pakatandaan mo: malibang ang isang tao ay ipanganak sa pamamagitan ng tubig at ng Espiritu, hindi ito makakapasok sa kaharian ng Diyos. 6 Ang taong ipinanganak ayon sa laman ay laman, at ang ipinanganak ayon sa Espiritu ay espiritu. 7 Huwag kang magtaka sa sinabi ko sa iyo, kayong lahat ay kailangang ipanganak na muli. b 8 Umiihip ang hangin kung saan nito nais at naririnig mo ang ugong nito, ngunit hindi mo alam kung saan ito nanggagaling at kung saan pupunta. Ganoon din ang bawat ipinanganak ayon sa Espiritu."

B. Siya ang naglalakip ng mga nanalig sa katawan ni Kristo

1 Cor 12 :13 
          "13  Maging Judio o Hentil, alipin man o malaya, tayong lahat ay binautismuhan sa iisang Espiritu upang maging isang katawan. Tayong lahat ay pinainom sa iisang Espiritu."

C. Pinapatibay Niya ang Kristyano at ang Iglesya

1 Cor 14 : 1 - 5 
             "1  Pakamithiin ninyo ang pag-ibig! Hangarin ninyo ang mga kaloob na espirituwal, lalung-lalo na ang makapagpahayag ng mensaheng mula sa Diyos.  2  Ang nagsasalita sa iba’t ibang wika ay sa Diyos nakikipag-usap at hindi sa tao, sapagkat walang nakakaunawa sa kanya, ngunit nagsasalita siya ng mga hiwaga sa tulong ng Espiritu Santo.3  Sa kabilang dako, ang nagpapahayag naman ng mensaheng mula sa Diyos ay nagsasalita sa mga tao upang patibayin ang kanilang pananampalataya, palakasin ang kanilang loob, at sila’y aliwin.4  Ang sariling pamumuhay espirituwal ang pinapaunlad ng nagsasalita ng iba’t ibang wika, ngunit ang iglesya ang pinapaunlad ng nagpapahayag ng mensaheng mula sa Diyos. 5  Nais ko sanang kayong lahat ay makapagsalita ng iba’t ibang wika, ngunit higit na gusto kong kayo’y makapagpahayag ng mensaheng mula sa Diyos. Higit na mahalaga ang nagpapahayag ng mensaheng mula sa Diyos kaysa nagsasalita sa iba’t ibang mga wika, maliban na lamang kung may magpapaliwanag ng kanyang sinasabi upang makatulong sa pag-unlad ng iglesya."

D. Binabago Niya tayo tungo sa wangis ng Panginoong Jesu-Cristo

Gal 5 : 15 -24  
                  "16  Sinasabi ko sa inyo, ang Espiritu ang gawin ninyong patnubay sa inyong buhay at hindi kayo magiging alipin ng hilig ng laman.17  Sapagkat ang mga nasa ng laman ay laban sa kalooban ng Espiritu, at ang kalooban ng Espiritu ay laban sa mga nasa ng laman. Laging naglalaban ang dalawang ito kaya’t hindi ninyo magawâ ang nais ninyong gawin. 18  Kung pinapatnubayan kayo ng Espiritu, wala na kayo sa ilalim ng Kautusan. 19  Hindi maikakaila ang mga hilig ng laman: pakikiapid, kahalayan at kalaswaan; 20  pagsamba sa diyus-diyosan, pangkukulam, pagkapoot sa isa’t isa, pag-aaway-away, pagseselos, pagkakagalit at kasakiman, pagkakampi-kampi at pagkakabaha-bahagi,  21  pagkainggit, pagpatay. paglalasing, kalayawan, at iba pang katulad nito. Muli ko kayong binabalaan: ang gumagawa ng mga ito ay hindi magkakaroon ng bahagi sa kaharian ng Diyos.  22  Subalit ang bunga ng Espiritu ay pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, katiyagaan, kabaitan, kabutihan, katapatan,23  kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. Walang batas laban sa mga ito.24  At pinatay na ng mga nakipag-isa kay Cristo Jesus ang kanilang makasariling pagkatao, pati na ang mga masasamang hilig nito.25 Kung ang Espiritu ang nagbibigay-buhay sa atin, siya na rin ang paghariin natin sa ating buhay. 26 Huwag na tayong maging palalo, huwag na nating galitin ang isa’t isa, at huwag na rin tayong mag-inggitan."


Kung nais natin mamuhay kay Kristo, pakinggan natin ang sinasabi ng Banal na Espiritu, at talikdan na ang anumang makamundong pita. Sapagkat ang banal na espiritu ang gagabay sa atin sa kabutihan, sa katotohanan.
ROMA 8:26 "26  Gayundin naman, tinutulungan tayo ng Espiritu sa ating kahinaan. Hindi tayo marunong manalangin nang wasto, kaya’t ang Espiritu ang dumaraing para sa atin, sa paraang di natin kayang sambitin."

May 6, 2012 - "Ang Kapuspusan ng Banal na Espiritu"

Gawa 2: 1 - 6
               "1  Nagkakatipon silang lahat sa isang lugar nang sumapit ang araw ng Pentecostes.  2  Walang anu-ano’y may ingay na nagmula sa langit, na tulad ng ugong ng malakas na hangin, at napuno nito ang bahay na kinaroroonan nila. 3  May nakita silang parang mga dilang apoy na dumapo sa bawat isa sa kanila, 4  at silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at nagsimulang magsalita ng iba’t ibang wika, ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu.  5  May mga debotong Judio noon sa Jerusalem na nagmula sa bawat bansa sa buong mundo. 6  Nang marinig nila ang ugong, nagdatingan ang maraming tao. Namangha sila sapagkat nagsasalita ang mga alagad sa wika ng mga nakikinig."


A. Paano ba natatanggap ang kapuspusan ng Banal na Espiritu
- sa pamamagitan ng pananalig sa Panginoong Jesu-Cristo

Gawa 1 : 4 - 5  
                  "4 Samantalang siya'y kasama pa nila, pinagbilinan sila ni Jesus, "Huwag muna kayong aalis sa Jerusalem. Sa halip, hintayin ninyo roon ang ipinangako ng Ama na sinabi ko na sa inyo5 Si Juan ay nagbautismo sa tubig, ngunit di na magtatagal at babautismuhan kayo sa Espiritu Santo."
Nanalig sila sa Panginoong Jesu-Cristo kaya sila'y matiyagang nag-antay sa ipinangako ng Panginoong Jesu-Cristo ang Espiritu Santo, kahit walang kung katiyakan kung gaano sila katagal maghihintay.


Gawa 2 : 36-39
                “36 Kaya’t dapat malaman ng buong Israel na itong si Jesus na ipinako ninyo sa krus ay siyang ginawa ng Diyos na Panginoon at Cristo!”37  Nabagbag ang kanilang kalooban nang marinig ito, kaya’t tinanong nila si Pedro at ang ibang mga apostol, “Mga kapatid, ano ang dapat naming gawin?” 38  Sumagot si Pedro, “Pagsisihan ninyo’t talikuran ang inyong mga kasalanan at magpabautismo kayo sa pangalan ni Jesu-Cristo upang kayo’y patawarin; at ipagkakaloob sa inyo ang Espiritu Santo. 39  Sapagkat ang pangako ay para sa inyo at sa inyong mga anak, at sa lahat ng nasa malayo, sa bawat taong tatawagin ng ating Panginoong Diyos.”
Pagsisihan at talikuran ang kasalanan at magpabautismo, hindi sapat na pagsisihan lamang dapat tuluyan itong talikuran ang tunay nanampalataya ay hindi nagpapatuloy sa gawang masama.
Juan 7: 37 - 39
               "37  Sa kahuli-hulihan at pinakatanging araw ng pista, tumayo si Jesus at nagsalita nang malakas, “Kayong mga nauuhaw ay lumapit sa akin,38  at ang lahat ng nananalig sa akin ay uminom. Sapagkat sinasabi sa kasulatan, ‘Mula sa puso ng nananalig sa akin ay dadaloy ang tubig na nagbibigay-buhay.'39  Ang tinutukoy niya’y ang Espiritung tatanggapin ng mga sumasampalataya sa kanya. Sapagkat hindi pa naipagkakaloob noon ang Espiritu dahil si Jesus ay hindi pa muling nabuhay at niluwalhati."
Nagmumula sa puso ang pananalig hindi sa isip lamang, ang lahat ng sumasampalataya ang tumatanggap ng Banal na Espiritu na siyang umuusig sa atin upang mamuhay ayon sa kalooban ng Dyos
B. Pagpapahalaga

Gawa 8 : 4 - 12
       4 Dahil dito, nagkahiwa-hiwalay ang mga mananampalataya sa iba’t ibang lugar, ngunit saanman sila makarating ay ipinapangaral nila ang salita. 5 Nagpunta si Felipe sa lunsod sa isang lunsod. ng Samaria at ipinahayag doon ang Cristo.Nang mapakinggan ng mga tao si Felipe at makita ang mga himalang ginagawa niya, inisip nilang mabuti ang kanyang sinasabi.7 Ang masasamang espiritu ay umaalis sa mga taong sinasapian ng mga ito at sumisigaw habang lumalabas. Maraming lumpo at pilay ang napagaling 8 kaya’t nagkaroon ng malaking kagalakan sa lunsod na iyon. 9 Doo’y may isang lalaking ang pangalan ay Simon. Noong una, pinapahanga niya ang mga Samaritano sa pamamagitan ng salamangka. Ipinagmamalaki niya na siya’y may taglay na kapangyarihan, 10 at pinapakinggan naman siya ng lahat, mula sa pinakamababa hanggang sa pinakadakila, “Ang lalaking ito ang tinatawag na Dakilang Kapangyarihan, ang kapangyarihan ng Diyos,” sabi nila. 11 Mahabang panahon ding sila’y pinahanga niya sa pamamagitan ng kanyang salamangka, kaya’t siya’y patuloy na pinapakinggan nila. 12 Ngunit nang ipangaral ni Felipe ang Magandang Balita tungkol sa paghahari ng Diyos at tungkol kay Jesu-Cristo, sumampalataya at nagpabautismo ang mga lalaki’t babae.
Lubos ang pagpapahalaga ng mga Apostol sa salita ng Dyos kaya nga kahit saan man sila makarating. Kahit ang mga salamangkero hindi maaring dayain ang hiwaga at kapangyarihan ng Banal na Espiritu.
Gawa 8: 14 -19
         14 Nang mabalitaan ng mga apostol sa Jerusalem na tinanggap ng mga Samaritano ang salita ng Diyos, isinugo nila roon sina Pedro at Juan. 15 Pagdating doon, ipinanalangin ng dalawang apostol ang mga Samaritano upang sila’y tumanggap din ng Espiritu Santo, 16 sapagkat hindi pa ito bumababa sa kaninuman sa kanila. Sila’y nabautismuhan pa lamang sa pangalan ng Panginoong Jesus. 17 Ipinatong nina Pedro at Juan ang kanilang kamay sa mga Samaritano at tumanggap ang mga ito ng Espiritu Santo. 18 Nakita ni Simon na ang Espiritu’y ipinagkakaloob sa pamamagitan ng pagpapatong ng kamay ng mga apostol, kaya’t inalok niya ng salapi sina Pedro at Juan. 19 “Bigyan ninyo ako ng kapangyarihang ito upang ang sinumang patungan ko ng kamay ay tumanggap din ng Espiritu Santo,” sabi niya.
Gayun na lamang ang pagpapahalaga ng mga Apostol sa Banal na Espiritu, kaya isinugo nila sina Pedro at Juan upang ipanalangin ang mga Samaritano upang sila'y tumanggap ng din ng Espiritu Santo.
Gawa 19: 1-7
              1 Habang nasa Corinto si Apolos, tinahak naman ni Pablo ang mga dakong bulubundukin ng lalawigan hanggang sa siya’y makarating sa Efeso. Natagpuan niya roon ang ilang alagad 2 at sila’y tinanong niya, “Tinanggap ba ninyo ang Espiritu Santo nang kayo’y sumampalataya?“Hindi po, ni hindi namin narinig na may Espiritu Santo pala,” tugon nila. 3 “Kung gayon, sa ano kayo nabautismuhan?” tanong niya.“Sa bautismo ni Juan,” tugon naman nila. 4 Kaya’t sinabi ni Pablo, “Binautismuhan ni Juan ang mga tumatalikod sa kasalanan. Ipinangaral niya ang pagsisisi sa mga Israelita upang sila’y sumampalataya kay Jesus, ang dumarating na kasunod niya.” 5 Nang marinig nila iyon, nagpabautismo sila sa pangalan ng Panginoong Jesus. 6 Nang ipatong ni Pablo ang kanyang kamay sa kanila, bumabâ ang Espiritu Santo at sila’y nagsalita ng iba’t ibang wika at nagpahayag ng mensaheng mula sa Diyos. 7 Humigit-kumulang sa labindalawang lalaki ang nagpabautismo.
Kailangan ang Espiritu Santo ng bawat sumasampalataya


C. Pagpapahalaga


Gawa 2: 1 - 6
                "1  Nagkakatipon silang lahat sa isang lugar nang sumapit ang araw ng Pentecostes.  2  Walang anu-ano’y may ingay na nagmula sa langit, na tulad ng ugong ng malakas na hangin, at napuno nito ang bahay na kinaroroonan nila. 3  May nakita silang parang mga dilang apoy na dumapo sa bawat isa sa kanila, 4  at silang lahat ay napuspos ng Espiritu Santo at nagsimulang magsalita ng iba’t ibang wika, ayon sa ipinagkaloob sa kanila ng Espiritu.  5  May mga debotong Judio noon sa Jerusalem na nagmula sa bawat bansa sa buong mundo. 6  Nang marinig nila ang ugong, nagdatingan ang maraming tao. Namangha sila sapagkat nagsasalita ang mga alagad sa wika ng mga nakikinig."
Ang mga napupuspos ng Espiritu ay may kakayahang magsalita ng iba't ibang wika ayon sa ipinagkaloob ng Espiritu.
Gawa 10 : 44
                  "44 Nagsasalita pa si Pedro, nang bumabâ ang Espiritu Santo sa lahat ng mga nakikinig."
Espiritu Santo ang tumutulong sa atin upang maunawaan natin ang sinasabi ng Mabuting Balita ng Kaligtasan
Lukas 6: 45
                "45 Ang mabuting tao ay naglalabas ng mabuti mula sa kanyang pusong sagana sa kabutihan, samantalang ang masamang tao naman ay naglalabas ng masama mula sa kanyang pusong tigib ng kasamaan. Sapagkat kung ano ang nag-uumapaw sa puso ay siyang sinasabi ng labi.”
Hindi maipagkakaila ang nilalaman ng puso ng tao sapagkat inihahayag ng kanyang labi  ang nilalaman ng kanyang puso.