Nastrestressed na ako, ang hirap naman ng ganito, mahirap pala talaga maging Christian, mahirap na mamuhay at makisalamuha sa mundong ito,
Mahirap sapagkat iba na ang pananaw mo sa buhay,
Mahirap kasi kilala ka ng iba sa pagkataong di kristyano, kaya lagi na lang ikaw na quequestion, nappupulaan, nalalait.
Mahirap kasi iba ka na magdesisyon,
Mahirap kasi sumasalungat na sa iyo ang mga kaibigan mo.
Mahirap kasi di ka na maintindihan ng mga dating umiintindi sayo.
Mahirap kasi ngayon alam mo na ang tama, sumama ang loob, kasi sa tanong na BAKIT?,
Mahirap kasi yung mga dating ginagawa mo di mo na magawa.
Mahirap kasi lagi na lang may conviction sa puso mo.
Mahirap kasi kapag may nasabi o nagawa kang mali, di ka na makatulog.
Mahirap kasi iba na ang mundo mo, kailangan mo na buksan ang mundo mo para sa kapwa mo Kristyano gayung mula pagkabata isa o dalawa lamang ang nagiging kaibigan ko.
Mahirap kasi nahihirapan ako, kasi minsan di ko alam kung paano ako sasagot, pano ako kikilos, kailan ako makikipag-usap, ano ba dapat ang sabihin ko.
Mahirap kasi dapat kong pigilan ang sarili ko, pigilang wag magalit, wag sumigaw, kumilos ng nararapat di mo na kayang magpakatoo.
Di ko alam bakit ako nahihirapan bagamat dapat akong magalak. Wala namang nagbabawal sa akin. Sadya lamang di ko alam bakit ba ganito.
Tao lang din naman ako, nasasaktan din ako, di lamang ako nagsasalita, pero nagdadamdam naman ang puso.
Ayokong umiyak, at ayokong may nakakakita saking umiyak, at di ko alam saan ako pupunta para makaiyak, mabigat na ang loob ko. Kasi di naman ako sanay sabihin kung kani-kanino lang ang nararamdaman ko,
Pinipilit ko lamang ipakita sa iba na masaya ako, masaya naman ako, pero bakit parang pakiramdam ko, di sila masaya sa lahat ng mga pasya ko.
Di ko alam kung tama o mali ang mga nagiging pasya ko, pero nagpapasya naman ako di lang sa pansarili kong kapasyahan, humihingi naman ako ng patnubay kay God, at ang pagpapasya ko ay kung saan ako lalong mapapalapit kay God.
Pag ako lang mag isa masaya naman ako, pero pagkasama ko ang iba nalulungkot ako.
Pag nag-iisa ako maligaya naman ako, sa lahat ng bagay na meron ako, nasa paligid ko.
Iba na kasi kapag nasa reality ka na, ibang iba sa mundong iniisip mo at ginagawa mo sa isip mo.
Kaya siguro ako nalulungkot kasi bumubuo ako ng sarili kong mundo sa isip ko, kaya pag nasa reality na at iba ang nangyari nasasaktan na ako.
Pero alam ko kakayanin ko lahat ito, alam kong nasa tama ako, kahit mahirap, masakit kaya ko, kasi para kay God naman lahat ng ginagawa ko, hindi para i-please lahat ng tao sa mundong ito.
FIGHT! FIGHT! FIGHT!
No comments:
Post a Comment